Huwebes, Agosto 9, 2018

papa

8-8-18 9:28 AM

Ang pinakamasakit na araw at oras ng buhay ko.  wala ka na papa.. kinuha ka na sa amin..

Di ko alam kung san galing pero ang sakit talaga.. sobra.. para akong mababaliw sa lungkot..

Nang palapit na ang doktor mo sa amin... kitang-kita ko ang masamang balitang hindi nya halos masabi nung umpisa.. pero kailangan.. habang kinakausap ako ng doktor mo,  di ako makapaniwala.. binigyan ka na lang ng bente kwatro oras para mabuhay.. grabe.. sana panaginip lang lahat.. kaso hindi.. hindi.. gising ako.. gising na gising.. at walang tigil sa pag-iyak.. walang tigil..  rinig ko lahat ng masasakit na mga salita.. stroke.. internal bleeding sa utak.. wala nang pakiramdam ang kanang katawan.. hindi na makausap... nung mga sandaling yun.. pinag-aaralan ko nang tanggapin..

Nakita kita puro tubo na ang nakakabit sayo.. literal na ang bumubuhay na lang sayo ay makina.. pero umasa ako.. na makakaligtas ka.. umasa ako sa milagro.. nagdasal ako walang tigil.. walang tigil..

Nakita ko lumuluha ang kaliwang mata mo.. naramdaman ko.. ang sakit na dinaranas mo.. na pagod na pagod ka na.. na hirap na hirap ka na sa sitwasyong ito.. hinawakan ko ang braso mo.. malamig.. puro pasa.. pakiramdam ko ang manhid ng katawan ko.. wala na..

papa alam ko ayaw mo kaming iwan.. ayaw kitang mawala.. mahal na mahal kita.. mahal na mahal.. pero ayaw ko na ring mahirapan ka..

sana nayakap man lang kita.. sana nasabi ko man lang sayo kung gaano kita kamahal.. sa huling pagkakataon.. pero wala ka na.. wala na..

papa maraming maraming salamat.. sa pagmamahal mo kay mama.. sa aming magkakapatid.. sa mga apo mo.. sa iyong kabutihan.. sa iyong pagmamalasakit..

papa.. masakit man.. mabigat man.. di ka na namin makikita dito sa piling namin.. wag mo kaming alalahanin.. magiging malakas kami para sayo.. ikaw ang nag-iisang haligi ng aming tahanan.. hanggang sa muli nating pagkikita... 😩