About ME


 Ako si Gee.


Ang blog na ito ay tungkol sa mga pangyayari sa aking buhay na gusto kong ibahagi sa iba, tungkol sa aking nararamdaman sa bawat aspeto ng aking buhay at pamilya. Pinili kong gamitin ang ating sariling wika sa pagsusulat, sinamahan ko na din ng taglish, parang kolehiyala talk :)

Simple lang ako. Mababaw lang ang kaligayahan ko. Mabilis din akong masaktan (emotionally), in short, sensitive ako. Lalo na sa mga biro na hindi ko masakyan at sa pagtrato sa akin ng mga taong ewan. Minsan naiisip ko, hindi maganda yung ugaling ganito, pero di ko maiwasan, sinusubukan ko naman e hahaha, pina-practice ko pero minsan di ko talaga maiwasan. :)


Kahit nuong bata pa ako, hindi ako mapormang tao, kaya nadala ko yun hanggang nung nagkaedad na ako. Sa pagpasok sa trabaho, ayos na sa akin basta yung disente ako tignan. Mas gusto ko yung steady lang (naks), basta yung blouse na bulaklakin o checkered at maong, floral dress pag may espesyal na okasyon, sapatos na maganda pero hindi masyadong bongga, ok na ok na sa akin, hindi din kasi ako fashionista at hindi ako ma-effort pagdating sa pananamit (o don't get me wrong ha, wala akong against sa mga mahilig pumorma), saka isa pa, wala kasi akong masyadong budget. :)

Lubos kong ipinagpapasalamat sa Panginoon ay ang pagkakaroon ko ng isang mapagmahal na pamilya. Isang masipag na ama na nagsakripisyong magtrabaho sa ibang bansa para maibigay sa amin ang aming mga pangangailangang materyal. Isang inang matyagang gumabay sa aming magkakapatid habang ang haligi ng aming tahanan ay nagtatrabaho sa malayo.


my parents' selfie

Isang kapatid na lalaking handang magbigay ng tulong sa akin, makulit at masayahin kahit sa mga panahong madaming kinakaharap na problema ang aming pamilya. 


He calls me ATI (ate)

Isang kapatid na babaeng itinuturing kong pinakamatalik kong kaibigan, nakakakilala sa buo kong pagkatao, nag-aalaga sa akin pag naoospital ako, nagbibigay sa akin ng pag-asa lalo na sa mga panahong nawawalan na ako nito, nasasabihan ko ng sama ng loob at problema. Mas matanda ako sa kanya pero higit na malawak ang pang-unawa nya. Nararamdaman ko ang pagmamahal at pagpapala ng Panginoon at sila ang aking pamilya.


She's not just my sister. She is my soulmate and my bestfriend

Ang aking mabuting esposo at ang mga anak ko ang itinuturing kong ilan sa mga pinakamalaking biyayang natanggap ko mula sa Maykapal. Maraming pagkakataon na kapos kami sa pera at madaming dumadating na problema, pero tutuo nga pala na kapag nananahan sa puso ng mag-asawa ang pananalig sa Panginoon, pagmamahal at respeto sa isa't-isa, walang pagsubok na di kayang lampasan. Kung mabuhay kami ulit sa ibang panahon, sya pa din ang pipiliin, hahanapin at mamahalin ko. :)



He is the best person I have ever found

Hindi man nya maibigay sa amin ng mga anak nya ang luho at materyal na bagay ay hindi matutumbasan ng kahit anong yaman dito sa mundo ang pagmamahal na mayron sya para sa amin.


Kuya Choy and Ate Babskee


My dear Buchokoy

Sa buhay na ito ay madami tayong sakit ng kalooban na pagdaraanan at mga problemang haharapin, pero meron din syempreng mga masasayang pangyayari.  Marami.  

Nabasa ko nung bata pa ako na bago matulog sa gabi ay itaas at ibigay lahat sa Panginoon ang mga bagay na bumabagabag sa atin, at napatunayan ko na napakalakas ng kapangyarihan ng panalangin at personal na ugnayan sa Maykapal.  Sabi ni Darlene Sala, ang

Gaya ng sinabi ko sa pambungad na talata, ginawa ko ang blog na ito upang ibahagi ang mahahalagang pangyayari sa aking buhay at ipahayag ang aking saloobin at nararamdaman. Maligayang pagbabasa! :)





"Let us not become weary in doing good, for at the proper time we will reap a harvest if we do not give up."                                                                  
                                                                                                         Galatians 6:9