Hello Buchokoy!

Ito ay kuha noong Feb 2014 sa Enchanted Kingdom kasama ang Team John, 16 weeks pa lang si Buchokoy

     Nung isang linggo hindi sinasadyang nahalungkat at nakita ko ang aking lumang Belle de Jour planner, nung taong 2012.  Natuwa ako nang mabasa ko ang isinulat ko sa pahina kung san ilalagay ang gusto mong ma-achieve sa taon na yaon. Ito pala ang mga katagang inilagay ko: "to have my third baby".  Di nga? Sinulat ko yun??

     Tinugon ng Panginoon ang aking hiling nuong taong 2012. Ibinigay Niya sa akin ang kasagutan nuong Disyembre 2013.    Siguro sabi ni Lord "gusto mo talaga ha".  :)


     Dec. 13, 2013 -- birthday ko :) -- Reynaldo and I went to Budgetlane para mag-grocery.  I bought the smaller PT which costs P33.  Naisip ko sa madaling-araw ko gawin yung test kasi mataas daw ang concentration ng hCG sa urine ng buntis.  Ang weird kase I dreamt a strange scene... pregnant daw ako. hahaha.


 celebrated my 35th birthday 12-13-13
     Dec. 14, 2013 -- Alas-kwatro na ng madaling araw.  So once and for all, para matapos na ang mga haka-haka, bumangon ako at nag-test.  I just followed the instructions sa package. Iniwan ko sa may kusina kasi ipatong daw sa flat surface para sa accurate na result.  Bumalik pa ako sa kwarto.. I prayed..  Sabi ko kay Lord, anuman ang maging resulta ay alam kong iyon ang Kanyang kalooban.  Pagbalik ko sa kusina para makita yung resulta.. there were two pink lines one at C and another at T. :) 

     Pinili kong wag munang sabihin sa iba kasi naisip ko baka false positive ang result kasi mura lang ang bili ko.  That same day, nagpunta kami sa bahay nila mama para mai-celebrate ko ang birthday ko kasama ang buong pamilya. 


     Nagpasama ako kay Kuya Choy sa bayan, sa Mercury Drug.. para bumili ng isa pang PT and this time it's more expensive, it is more than P100.  He asked me kung anu yung binili ko.  "Mamaya sasabihin ko sayo."  Pag-uwi sa bahay, nag-test ako ulit.  Pareho pa din ang resulta.  Tinawag ko si Reynaldo sa kwarto at sinabi ang balitang gumimbal sa kanya.. magiging tatay na naman sya.  Nagdesisyon na din kaming sabihin na kay Kuya Choy. 




     Nag-download ako ng mga applications about pregnancy and childbirth.  Madami akong nakita at i-try i-download pero sa lahat ng yun, isa lang ang hindi ko in-un-install.  Super informative at helpful yung kay Heidi Murkoff  "What to Expect when You're Expecting" yung title.  Ang alam ko may book ding ganun e, good thing may version na pwede sya ma-download ng libre at ma-access anytime kahit walang wifi.  Ini-indicate dun lahat ng information tungkol sa growing fetus (first time mom lang ang peg).  


    
     














     Minsan nang naikwento ng hipag ko na magaling ang OB na humawak sa kaibigan nya.  Reyes daw ang apelyido.  Malapit ang clinic sa may simbahan.  Sinearch ko sya sa internet to get feedback from her previous patients.  Meron.  Madami.  Puro positive ang nabasa ko.  May isa dun nagsabi na, she's parang masungit pero mararamdaman mo yung pag-aalaga ng isang nanay.  Ah o sige.

     Nagpunta ako sa clinic pagkatapos ng shift ko.  Sarado ang pinto, pero bukas ang ilaw, kaya kumatok ako.  Isang babaeng nakangiti ang nagbukas ng pinto.  Sekretarya nung OB.  Si Kenneth.. na super bait at super accommodating.  Kasalukuyan syang naglilinis ng clinic.  Wala daw si doktora, may pinapaanak sa ospital.  Nagbigay lang sya ng ilang impormasyon.  Humingi na lang ako ng kopya ng clinic hours nila para makabalik ako.  Ang bilin nya pa, tawag muna bago punta dahil may mga emergency na pinupuntahan yung OB, so minsan kahit may sched ng check-up that day, kelangang i-cancel.  I felt na I came to the right doctor hahaha, kasi secretary pa lang at home na agad ang feeling ko.

     Jan 6 -  Kasama ko si Reynaldo sa unang check up.  Ang daming pasyente.  Naisip ko, this OB must be really good.  Nagpalista ako.  Same procedure with my previous pregnancies..  Kuha ng blood pressure tapos titimbangin.  Binigyan ako ni Kenneth ng isang dilaw na form, dun ire-record result ng blood pressure at weight, ang araw ng follow-up check-up, vitamins na kelangang inumin, ilang weeks na si baby, mga ganung info.  Meron ding mga advice na dapat gawin kung may maramdamang hindi maganda at kung anung numero ang dapat tawagan.  Ang maganda sa OB na ito, sinisilip nya yung baby every visit, so mababantayan nya yung amniotic fluid at activity nung fetus.  Tinawag na ako ni Kenneth, ako ang pinakahuling pasyente.

     
    The doctor's name is Marisa Reyes, ang impression ko sa kanya ay hmmm... para syang si Justice Secretary De Lima pramis hahah.  Ok naman.  She's nice.  Palabiro.  Professional.  I requested for trans-v, bukod sa hindi pa makikita yung fetus thru pelvic ultrasound isa din ito sa requirements na kelangan ipasa sa HR to claim the SSS maternity benefit kasama ng MAT-1 and OB hist form.  Reynaldo and I saw the fetus, ang linggit linggit pa.  We saw his heart beating.  I love the feeling hahaha, ibang klase talaga.  Ang saya!  Sayang di namin kasama si Kuya Choy.  We want to share this happiness to my eldest.  I know he will be very happy.

     August 9, 2014 ang lumabas na Expected Date of Delivery ko.  Bale 40th week yun.  Madalas kong marinig na when the baby is at 37 weeks, pwede na syang mag-hello world!

 
    Nag-reseta sya ng dalawang vitamins na iinumin ko araw-araw.  Saka yung gatas na para sa buntis, Anmum Materna.  Favorite ko yung Mango.  Mag-undergo din daw ako ng laboratory like yung oral glucose tolerance test.  Kasi may isang diabetic sa pamilya namin (si fadir), saka baka nga yung edad ko isa ding factor (although di naman ito sinabi ng OB, in-assume ko lang). 

     May health card kami, isa ito sa mga benefits na binibigay ng kumpanya na pinagtatrabahuhan ko.  Ang problema lang.. hindi nito sasagutin ang laboratory concerning pregnancy.. kasi hindi naman daw sakit ang pagbubuntis (but I learned that may mga HMO na covered ang ganito).


     Tumawag ako sa APEX Diagnostic Clinic at Antipolo Doctors Hospital to inquire how much ang magpa-lab.  Cheaper sa ADH at ewan ko kung bakit ang layo ng diperensya.  Kakagalit yung process ng OGTT :)
    
  
     Masaya pero naging isang malaking hamon sa akin ang pagbubuntis na ito.  Malapit nang mag-syam na taon si Babskee at nasa mid-30's na ako.  Madami ako nabasa na sa ganitong edad ay high risk na ang pagbubuntis.  May nagsasabi din naman na ok pa.  Ang isa sa pinakamahirap ay pagko-commute ko mula bahay hanggang trabaho (mula Antipolo to Ayala mabuti na lang naka-fx ako).  Saka madami akong nakasalamuhang tao na walang pagmamalasakit sa mga nagdadalang-tao, super dami, minsan babae pa.  Sarap sapakin.  Pero madami din namang mababait. :) 

     Hanggang dumating ang pinakahihintay kong bakasyon.  Nag-file ako ng halos dalawang linggong leave para maidikit ko sa aking maternity leave.  Malaking tulong sa akin ang payo ng mga kasamahan ko sa trabahong nauna nang nanganak.  July 18 ang naging huling araw ko sa trabaho bago ako tuluyang mag-ML.  Sarap magbakasyon.  Hindi ko kelangang gumising ng maaga para mag-asikaso sa pagpasok.  Nasulit ko yung tulog ko.  Wala naman akong ibang pinuntahan.  Mas gusto ko sa bahay lang magpahinga at maghintay kung kelan sya lalabas.  A week has passed and still no signs of labor.  I was thinking na baka a day before ng birthday ni Kuya Choy sya lumabas or mas maganda kung maging magka-birthday sila.   
 




This was taken during Kuya Choy's 13th birthday (a day before Buchokoy's arrival); ang laki laki na ng tyan ko :)

     July 27 - Birthday ni Kuya Choy.  I remember nung umaga ang sabi nya "dapat hindi muna lumabas si Buchokoy ngayon kasi birthday ko".  Nag-celebrate kami ng birthday nya sa bahay ni mama.  Ang dami dami kong nakain hahaha.  Nung gabi ding yon ay ang grand finals ng The Voice Kids, at kahit nung nagsisimula pa lamang ang kumpetisyon ay may paborito na kami... si Darren Espanto.  Si Martin Nievera ang kasama nyang nagperform para sa grand finale, inawit nila ang You are my Song.  Gaya ng mga nauna nyang pagpeperform, naipakita ni Darren ang husay sa larangang ito.  Nung mga sandaling iyon ay may nabuo akong plano... Darren ang ibibigay kong pangalan kay Buchokoy. :)

      Hindi sya nanalo.  Dinaig sya sa text votes ng grand winner na si Lyka na isa din namang magaling na bata.  Madami ang nagsabi na "sympathy vote" ang nangyari.  And the rest is history.  :)

       July 28 - 38 weeks at dalawang araw na si Buchokoy sa tiyan ko (base yan sa kanyang very first ultrasound last January 6, 2014).  Bumangon ako ng madaling araw.. Ewan ko. Di ko maintindihan ang nararamdaman ko. Kung tatayo ako, uupo, hihiga.  Tinanong ni Reynaldo kung anung nararamdaman ko.  Di ko alam ang isasagot ko, may masakit, pero di ko alam kung ano, naninibago ako e hahaha. Natulog ako.  Alas onse ng umaga, nagising ako, naiihi ako.  Ayun may blood na!!!  Nagle-labor na pala ako.  Sa dami ng binasa kong pregnancy facts, napaghandaan ko na ang araw na ito.  Naka-pack na yung mga gagamitin namin sa hospital. 

       Eksaktong alas-kwatro ng hapon, 5cm na daw ako kaya in-admit na ako sa Antipolo Doctors Hospital.  Mababait naman mga nurses saka magagalang.  Kinabitan na ako ng dextrose.  May in-inject sa kanang braso ko.  After ilang seconds pakiramdam ko nakalutang ako.  Nahihilo ako pero aware ako sa paligid.  Mga bandang alas-syete ng gabi, i think narinig kong sinabi nung resident doctor, nasa 8 or 9 cm na ko.  This time, nagtataka ako... hindi na ako nahihilo... Feeling ko wala na yung bisa nung gamot.  Ramdam na ramdam ko yung sakit nung labor!!!  Nararamdaman ko na umaandar yung stretcher papasok sa isang room.  Nasa delivery room na ako.  Nandun na si Dra. Reyes, I can hear her saying "Ire ng maganda.."  This is it!  Super intense na yung labor pains...  Pasakit na ng pasakit...  There was this nurse na nasa left side ko and tingin ko sya yung doula (in-assume ko lang kasi sya yung nag-assist sa akin sa pag-push)...  Naaalala ko ganito ang instructions niya:  "Ma'am masakit na masakit na kasi andyan na si baby, malapit na malapit na sya.  Hingang malalim... pigil... IRE!!!"   May nurse din ata sa kanan ko na nagpupunas ng pawis ko.
     
     So ako, sige lang! Push! Ang saket!! Sa gitna ng sobrang hirap at sakit na naramdaman ko I prayed, sabi ko "Lord wag Nyo po akong pabayaan.  Sana po hindi ako mamatay".  Over lang? hahaha  



TREASURES from the BIG DAY
 
     7:48 PM lumabas si Buchokoy! Woohooo! Nagawa ko! Kudos to me!  Narinig ko yung iyak nya.  Biglang kumirot yung ugat ko na sinaksakan ng dextrose, I remember asking the doctor (he's the anesthesiologist, hubby sya ng OB) kung anu yun. He answered "gamot", and I heard nagtawanan mga tao na nandun.  Yun ang huli kong naalala..



Buchokoy's birth information card


       Paggising ko, nasa isang room ako na walang ibang tao.  Naghahalo yung hilo, antok at pagod.  Recovery room ata yun.  Nakita ko may wall clock sa bandang kaliwa ng dingding.  Malapit nang mag-alas onse, pero di ko sigurado kung gabi o umaga.  Maya-maya may pumasok na nurse.  Tinanong ko sya kung anung petsa na hahahah, sabi nya July 28 po ma'am.  Gabi pa lang.  Ang tagal ko din nakatulog.  Di ko nga naramdaman kung nag- skin to skin kami ni Buchokoy.  Parang walang ganung pangyayari.  Pakiramdam ko namamaga ako. Hita.  Braso. Balakang.  Buong katawan.  Literal.    Dun ko lang na-realize na magkasunod ng birthday ang mga anak kong lalaki.  


     May pumasok ulit na isang nurse.  She's carrying a baby.  "Ma'am, ito po yung baby n'yo."  That is the first time I saw Buchokoy hahaha.  He was awake.  He was just 4 hours old pero nakita ko ang likot likot, kawag sya ng kawag habang dala ng nurse. 

     God is truly powerful and amazing.  Grabe.  Hindi ko maipaliwanag.  Sobrang galing naman ng timing ng paglabas ng anak ko.  Pinalipas nya muna birthday ng kuya nya hahaha (as if alam nya na).  I thank God for this wonderful and handsome baby boy He gave me.  

     I will forever be grateful dear Lord.  He is worth the wait.



Ate Chello went up to me and said "mama geegee, nilalagyan ng nurse yung paa ni Buchokoy ng tinta ".  Naisip ko baka kukuhanan na sya ng footprint.  I remember dala ko yung baby book nya, Ate Chello immediately brought it to the nurse. 07-29-2014


My sister bought this cake for Buchokoy when he first came home on July 31, 2014.

our first picture together  
I finally met my new bundle of joy -- my dear Darren Jacob!  In this photo (my sister took this shot  at the nursery of ADH) he was just 1 day old. :)





























Add caption